Napadpad. (Re-release)
Napadpad. (Re-release)
BY PATRICK ZALDARRIAGA
Sa panahon ng Buwan ng Wika, napagisipan kong ipakita muli ang kaisa-isang Pilipinong tula na aking nasulat, ilang buwan na ang nakakaraan. Maari kayong magkomento o magbigay ng mga suhestiyon kung paano pa mapapaganda ‘to, at kung ito’y papasa bilang entry para sa Sandugo. Salamat!
Isang karaniwang araw
Ako’y napadpad sa siyudad na ‘to
Walang malay nang sumalakay
Sa mga kalyeng puno ng gulo
Dito sa simbahan ako’y nadaan
Pinasukan ko’t dinasalan
Humiling ng tawad sa mga salang nabitawan
Humingi ng patnubay sa lakbay na uusbungan
Ako’y naupo sa isang sulok
Katabi ang mga pulubing guto’y sinisinok
Napagisipan ko ang mga kailangang gawin
Sa mga araw na lulusubin
Iyak ang nakita ko sa batang musmos
Humihingi ng pagkaing panglunos
Walang maibigay salapi’y naubos
Sabay alis niya patungong Burgos.
Sa Lungsod ng Quezon ako’y narating
Sabay kong lumakad, ang mga munting kuting
Paghahanap ng silungan sa ilalim ng bituin
Bigong mahanap, ang gabi’y bitin
Ninananasahang umuwi sa aking pinanggalingan
Nalulong sa kalungkutan
Imbis na matuwa
Ako’y puno ng hiya
Di kinayang tiisin
Wala ng mahanap na kakapitin
Di alam kung saan magsisimula
Di alam kung saan magwawakas
