Prose & Poetry

iPhone 3Gs:Mabilis, Makabago, Makasaysayan

iPhone 3Gs:
Mabilis, Makabago, Makasaysayan

Hindi pumapalpak ang kumpanyang Apple, isa sa mga pinakausong tatak sa larangan ng teknolohiya ngayon, sa paghahatid ng mga makabagong produkto na talaga namang naiiba sa lahat. Napatunayan na ito sa kanilang unang pagpapauso ng iPod, na tuluyang naging dominante sa industriya ng mp3.

Sa pagpasok nila sa larangan ng cellular phones, nakamit na naman nila ang tagumpay sa paglabas ng iPhone. Dalawang taon na ang nakaraan nang ilabas ang kauna-unahang bersyon ng iPhone. Ito pa rin ay sinasalubong ng madla dahil sa makabagong teknolohiya at serbisyo na kanyang inihahatid. Makalipas ang isang taon, muling naging makasaysayan ang Apple nang ilabas ang iPhone 3G, ang mas pinatindi at pinabagong bersyon ng iPhone. Katulad ng nauna, kinagiliwan ito ng mga mamimili mula sa iba’t ibang panig ng mundo dahil pinalakas at pinalaki ang kapasidad nito.

Ngayong taon, inilabas ang iPhone 3Gs, ang pinakabagong bersyong naturang cellphone. Bilang “The fastest, most powerful iPhone yet”, siniguradong hindi madidismaya ang mga mamimili sa mas pinabilis na takbo ng iPhone. Naging makasaysayan muli ang Apple, ng makabenta sila ng higit isang milyong units, malayo sa inaasahang bentang kalahating milyon.

Salungat sa mga sinasabi ng madlang walang pinagkaiba ito sa mga nauna nang lumabas maraming naihahatid na mga bagong features ang 3Gs. Una ang lalong pinalaking kapasidad at memory. Ito ngayo’y mabibili na sa 16GB or 32GB, halos doble o higit pa sa mga nakalipas na modelo. Maliban dito, itinatampok din ang bagong Voice Control kung saan maaaring buksan o magamit ang mga iba’t ibang features sa pamamagitan lang ng simpleng pagbigkas ng mg utos o command. Maaari na ring mag Cut-Copy-Paste sa naturang modelo ito, isang feature na kay tagal hinintay ng mga gumagamit ng iPhone. Hindi pa kasama rito ang sangkatutak at iba’t ibang uri ng mga Application na mabibili sa Apple App Store.

Sa tagal ng panahon, at sa lahat na ng naipakita ng iPhone sa loob ng dalawang taon, talagang makasaysayan nga ang pambihirang gadget na ito. Hindi lang makasaysayan, ngunit mabilis at makabago rin. Ang lahat ng ito ay hudyat ng hinaharap ng teknolohiya at ng iba’t ibang bagay na ating natutuklasan dahil sa teknolohiya. Para sa lahat ng iPhone, bata man o matanda. Tiyak na ang ganitong klase ng teknolohiya’y kagigiliwan ng madla, at walang makasasalungat sa katotohanang ito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

*