Prose & Poetry

Mga Panalong Pagbabago

Mga Panalong Pagbabago
Sanay na tayo sa mga pagbabago. Kada taon, takaw-pansin ang mga pagbabagong nakikita sa Xavier. Madalas na may pagbabago sa mga pasilidad at imprastraktura taun-taon.

Hindi lang ang mga panlabas na pagbabago ang ating makikita. Makikita rin natin ang mga pagbabago sa mga programa at sa mga pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro sa paaralan. Sa taong pampaaralang ito, wangis din ng sa mga nagdaan, may mga pagbabago na ring nakahanda para sa ikabubuti ng paaralan, mga guro, at maging sa mga mag-aaral nito.

Sa unang araw pa lang, mapapasin na ang ating mga nakasanayang PC-TV cabinet ay pinalitan na. Mapapansin sa silid-aralan ang Laptop Podium, Projector, mga Altec Lansing speakers, at ang white board. Gamit ang video jack ng Projector, mula sa Laptop ng guro makikita ang Powerpoint at ang paksang ituturo. Ang Altec Lansing speakers ay para sa mga anumang nais iparinig ng mga guro.

Makabago na rin ang sistema para sa mga IDs. Simula ngayong taon, inilunsad na ang Smart ID System. Noong nakaraang taon, nauna ang mga guro’t staff ng paaralan sa pagsubok at paggamit ng naturang sistema. Ngayon, kasali na ring makiki-scan sa ID scanner ang mga studyante tuwing umaga’t uwian. Inilunsad ang Smart ID System para matiyak ang seguridad ng mga lumalabas at pumapasok ng paaralan. Ibinabase rin dito ang attendance ng mga mag-aaral.

Nang dahil sa mga tatlong sikad para sa taong 2007-2010, (Information Technology, Innovations, at Internationalization) nakasentro ang atensyon ng administrasyon na pahusayin pa lalo ang mga programang nailunsad tulad ng mga International programs, 1-to-1 computer based instruction, at iba pa.

Para ganap na handa ang mga mag-aaral sa mahabang paaralan sa kanilang pagtungtong sa High School, si Bb. Aimee Apolinario ang naatasang maging Overall Academic Coordinator ng Grade School at High School. Ito’y para handa nilang harapin ang malakolehiyong istilo at mga tuntunin na pinaiiral sa High School.

Marami pang maasahan para sa darating na taon. Bagamat’t may mga sagwil na haharapin, nawa’y maging makabuluhan ang taong ito para sa ating lahat sa Xavier. Huwag nating palampasin ang kahit anong pagkakataon na haharap sa atin, at magpursige tayo nawa naabutin ang ating mga layunin. Ang mga pagbabagong ito’y para sa atin, at para ganahan tayong magsusumikap at umasenso.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

*