Bagong Pakinabang sa mga Bagong Sites: Pagsisiyasat sa Internet Atbp.
Bagong Pakinabang sa mga Bagong Sites: Pagsisiyasat sa Internet Atbp.
Patrick Zaldarriaga, 2B
Manunulat ng Lathalain
Patuloy pa rin ngang umuunlad ang teknolohiya. Iba’t ibang uri nito ang lumilinaw sa harap ng ating mga mata. Mapa-iPhone man o mp3, ang paggamit ng mga ito sa pang araw-araw na pamumuhay ay pangkaraniwan na.
Kasama na sa mga iba’t ibang uri ng teknolohiya ang Internet. Sa mabilis na paglaki nito, ‘di na mabibilang ang mga website na ating naging libangan. Hindi na nga lang libangan ito sapagkat nagagamit na rin ito sa negosyo, sa pag aaral, sa pananaliksik at pati na rin sa pangangampanya ng mga adbokasiya. Tayo nga ay bihasa na sa paggamit ng teknolohiyang ito.
Tayo man ay bihasa nga sa mg websites katulad ng Facebook, Multiply, Twitter o YouTube, marami pa ring mga kayamanan ang naitatago ng Internet na naghihintay upang ating matuklasan, at ang mga kayaman na ito ay siyang makatutulong sa atin.
www.WolframAlpha.com
Sa mga nahihirapan sa Math, WolframAlpha.com ang sagot diyan. Isang buwan pa lamang mula nang ito ay simulan, ngunit ito’y unti-unting pumapatok. Madali lang ang paggamit nito. Kapag nabuksan na ang WolframAlpha.com, may makikitang text box. Itype ang mga katanungan o equation, pindutin ang = , at kaagad na hahanapin ang eksaktong sagot mula sa database nito.
Hindi mo na ring kakailanganin ang maghanap mula sa mga ibang websites sa pagsagot ng mga ilang mahahalagang katanungan. Sinasagot rin ng WoframAlpha.com ang mga tanong na may kaugnayan sa populasyon ng mga bansa, mga rates, at ibang mga katanungang may kaugnayan sa mga numero. Malilito ka nga lang sa unang beses mong paggamit nito, Gayunpaman, ito’y higit na nakatutulong sa mga research work, sa paghahanap ng mga datos at sa marami pang iba.
www.Justin.tv
Nagiging patok na rin sa mga kabataan ang V logging o Video Blogging, at isa ang Justin.tv sa mga naghahandog ng magandang kalidad ng serbisiyong nagtatampok ng Vlog. Dito sa Justin .tv mapapanood ang mga Vlogs, o mga lifecasts ng mga sikat na personalidad sa Internet katulad ni iJustine. Dito rin sa Justin.tv mapapnood ang mga live streaming ng mga pagtatanghal katulad ng E3 ang Electronic Entertainment Expo. Sa pangunguna ni Justin Kan mula 2007, patuloy na lumalaki ang sakop ng naturang site at sinasalihanito ng mga taong mula sa iba’t ibang lupalop ng mundo.
www.360cities.net
Tila tayo’y nabibighani sa kagandahan ng mundo. Subalit kung minsan, may mga lugar na nais nating makita ngunit mahirap mapuntahan. Nagyon, makikita na ang ganda ng mundo gamit ang 360cities.net. Mula sa Naousa Square ng Greece, hanggang sa Time Square ng New York City, masusulyapan na ang mga tanawin ng mundo sa isang click. Sa may mga katanungan tungkol sa mundo o sa kasaysayan, makatutulong ang paggamit ng 360cities.net sa pagsulyap ng mukha ng nakaraan at kasalukuyan.
www.Midomi.com
Hindi na siguro natin mabibilang kung ilang beses na tayong nablanko nang may marinig tayong kantang ‘di natin alam ang pamagat. Kadalasan kasi, himig lamang ang naalala natin sa isang kanta. Sa Midomi.com, hindi na kailanman maginging problema ito. Sa paghimig lang o pagkanta, hahanapin nito ang saktong pangalan ng kanta at iba pang impormasyon tungkol sa awitin. Ang Midomi ay mabibili rin bilang isang application mula sa Apple iTunes Store para magamit sa iPhone.
www.Tastekid.com
Inihahandog naman ng Tastekid.com ang isang search engine service para sa mga mahilig sa musika, panitikan, at iba pa. Ilalabas ang mga nahanap ng search engine ayon sa kaukulang interes o tipo. Gagabayan ka ni Emmy, isang avatar na tutulong sa pahahanap ng mga makabuluhang impormasyon. Nababagay ang Tastekid.com para sa mga naghahanap ng bago sa larangan ng musika, panitikan, at sine. Maari ring i-embed ang Tastekid.com sa Facebook at pati na rin sa Twitter.
Ang internet ay mistulang naging tulay ng mundo. Lumiliit ang mundo dahil ditto. Hindi na hadlang ang pagkakawatak sapagkat ang mundo’y pinag iisa nito. Sa dami ng mga websites na ating naiikutan kada araw., totoo ngang bahagi na ito ng ating buhay. Sa mga susunod pa na dekada, inaasahan ang paglaki pa nito, na may mas maraming kapakinabangan, mapagkukuhanan ng kaalaman, at maabot ng serbisyong hated nito. Nasa ating mga kamay nakasalalay ang wasto at tamang paggamit nitong handog ng teknolohiya.
